Apr 10 2008
Litratong Pinoy: Tatlo Ang Sulok Ko
Eto na… Katulad ng mga kaibigan kong bebots, sumali din ako sa Litratong Pinoy. Sayang at hindi ako nakasali nang mas maaga, na-miss ko tuloy ang unang linggo na tungkol sa bilog. Okay lang naman… at eto ang aking unang lahok na may tatlong sulok.
Here it is… Like my bebot friends, I also joined Litratong Pinoy. Too bad I wasn’t able to join earlier, I missed the first week about Circles. But it’s okay… and here’s my first entry with three corners.

Ako ay isang upuan at ako may tatlong sulok.
Ako ay dinadala ni Buge pag umaakyat ng bundok.
Ngunit ngayon ako ay nakatabi na lang sa isang sulok.
Nami-miss ko na si Buge pati ang bundok.
I’m a chair and I have three corners.
Buge brings me when she climbs a mountain.
But now I’m just on one corner.
I miss Buge and I miss the mountains.
Popularity: 22% [?]






welcome sa LP buge.. kasali din ako e.. ganda ng writeup sa tatsulok mong silya hehe
alpha’s last blog post..LP: Tatlo Ang Sulok Ko.
isang napaka-praktikal na tatsulok! sana’y magamit mong muli!
magandang huwebes sa’yo!
lidie’s last blog post..hababoitdays for april!
Nakakatuwang tula. Di lang litratong Pinoy. Panitikang Pinoy pa. Mabuhay!
Em Dy’s last blog post..Detalye
Hello Buge… welcome to Litratong Pinoy!
Sa biglang tingin, akala ko upuan ng bisikleta ang tatsulok entry mo - shooting stick pala?
ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko
kaya ka ba tumatakbong muli para makaakyat ka ulit ng bundok gamit ang tatsulok mo? hi buge!
Kaje’s last blog post..LP2 - Tatlo ang Sulok
Ang ganda ng kulay ng tatsulok mo - buhay na buhay!
Kinabahan nga lang ako noong una kong kita dahil akala ko ay isa siyang salawal na panlalaki na inilagay sa upuan - inakupu! Pasensya na po - kakagising ko lang kaya medyo hilo pa!
Welcome sa LP!
Pinky’s last blog post..LP #2: Tatlo ang Sulok Ko
nung unang tingin akala ko din salawal. hehe. ang galing ng konsepto
maraming salamat din sa pagtangkilik sa aking tatsulok
korky’s last blog post..Tatlo ang Sulok Ko
napakamalikhain. ngunit pag umupo ako dyan sinisigurado ko na sira yan sa bigat ng aking timbang. maligayang huwebes sayo.
bluep’s last blog post..Tatlo Ang Sulok Ko, Iisang Bangka Tayo!
Galing naman ng pagkapresent! Parehas pala tayo…unang entry ko din ito.
zamejias’s last blog post..Tatlo Ang Sulok Ko
pangatlo na ako sa nag-akalang salawal sya. heheheh…. pasensya na. pero nakakatuwa ang interpretasyon mo… di ko naisip na may silyang tatsulok.
Linnor’s last blog post..Tatlo ang Sulok Ko
mabuhay, buge! dati’y meron din kaming ganyang upusan sa tirahan namin sa antipolo. kulay itim naman! hindi kami namumundok pero maigi siyang baunin dahil hindi natin alam kung kailan may kakulangan ng upuan. hahaha! salamat sa pagdalaw sa aking site.
Munchkin Mommy
Mapped Memories
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #2: Tatsulok
Buge, tawa ako ng tawa sa mga komento nila: upuan ng bisikleta at salawal
Pero ang alam ko, baka masira yan pag inupuan ko. Pramis.
Sana ay magamit mo na ngang muli ang salumpwet na ito sa lalong madaling panahon
julie’s last blog post..Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas
Buge, ang gara ng upuang iyan… very portable at bagay na bagay sa pagakyat ng budok. bakit hindi mo gamitin ulit?
ang ganda ng pag present mo ng litrato.
Clicking Away’s last blog post..LP001 - Tatlo Ang Sulok Ko
Hi Buge! Asus, akala ko ay salawal nga! ha ha ha! Magaan nga bitbitin ito pag umakyat ng bundok, o mangingisda….
welcome sa LP!
Thesserie’s last blog post..By: Clicking Away
Hi buge,
Ang galing! Ganda naman ng upuan mo kaso lang baka di ako kayanin
Maraming salamat sa dalaw…
nina’s last blog post..Litratong Pinoy - Tatlo ang Sulok Ko
Hi Buge!
Nakisali na rin ako sa LP!
I like your pic! Pati na ang accompanying poem - cute naman!
Joy’s last blog post..Litratong Pinoy:Ako ay Bilog/Tatlo ang Sulok Ko
akala ko pinapatuyuan mo yang asul na salawal. heheh..
handcarry chair pala. sana mapagbigyan mo ang kanyang himutok na magamit mo muli.
happy weekend!
mousey’s last blog post..By: Grey
May ganyan din kaming upuan! Ang cute!!!
Pede pa dalhin kahit saan hehe.. pag nangawit ka ilabas lang ang upuan! Mabuhay Litratong Pinoy! 
that is one extraordinary chair, i like it. though i doubt if it can hold my weight, hahaha
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko
Welcome sa LP Buge, ang galing naman nakadigi-scrap pa ang iyong larawan with matching tula, ang cute! Pati ang name mo kaiba “Buge”
ikinagagalak kong makilala ka kabayan
hehe.. idagdag mo na ako sa nag-akalang salawal sya
malikhaing tula at larawan! welcome to LP!
star’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko
ah, kelangan na nyang umakyat ng bundok. baka agiwin sya sa isang sulok
Dyes’s last blog post..LP # 2 - Tatlo Ang Sulok Ko
Akala ko tripod… galing!
Salamat sa pagdalaw sa aking entry.
she’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#2 - Tatlo ang sulok ko
Umaakyat ka rin pala ng bundok, Buge! bukas kasi may plano kami pumanhik sa tuktok ng Mt Cristobal sa pagitan ng Laguna at Quezon, sana walang maging problema at matuloy kami. Natuwa ako nung nakita ko itong munti mong upuang may korteng tatsulok! (–,)
Studio Juan’s last blog post..Tatlung Sulok at Ang Mukha
may ganito din kami… kulay pula naman
hehehe
happy friday!!
Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko
Akala ko underwear hehehe. Nice photo!
ako din pareho ng akala kay ambo.
iRonnie’s last blog post..221. Rest In Pyramid
pihado magaang na magaang ang tatsulok na upuang ito!
maliit daw kase ang yong salumpuwit
kaya si buge ay laging mangangawit
kung ikaw sa araw araw ay gagamitin
ang ulo ni buge ay laging paiinitin
…yeah!
Kotsengkuba’s last blog post..No Sweet Lemons in Wordpress 2.5
uyyy sa mga nagsabi na salawal yan… ang bastus! haha! napapaghalata tuloy kung ano ang mga nasa isip niyo, hehe. sabagay, tatsulok nga naman ang hugis ng isang salawal…
gaya naman ng ibang nag-comment, mukha ring hindi ako kakayanin niyang silya mo, hehe. hanggang sa susunod na huwebes! welcome to LP!
MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok
Meeya’s last blog post..WS07: Beauty Pegeant
welcome to LP! ngayon lang po ako nakapag-bloghop ulit, hehe. paunti-unti ay binibisita ko ang lahat nang mga lahok sa LP.
medyo unang tingin ko rin ay underwear ang nasa larawan, hihihi. buti nakita ko yung steel support sa baba! ang galing naman at sinamahan mo pa ito nang nakakaaliw na tula.
maaari mo ring bisitahin ang aking lahok. kitakits ulit!
Dragon Lady’s last blog post..Diamond Birthday