May 01 2008

Litratong Pinoy: Malungkot

Published by B at 8:56 am under Litratong Pinoy

 

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
Yan ay ayokong kanyang malaman

 Mga araw na nagdaan, kailanma’y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko’y walang hangganan

 Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa’yo
Kaya’t sa Maykapal tuwina’y dalangin ko
Sana’y kapalaran ko ay magbago

Ang tema ngayong linggong ito ay saktong-sakto sa kalagayan ng aking puso. Kung wala kang magawa at gusto mong malaman kung baket ay magbasa-basa lang nitong blag ko at malalaman mo din ang dahilan. Umpisahan mo noong Marso 17, dun sa post na ang titulo ay Insensitive. Kung gusto mo naman shortcut ay basahin ang aking post na Harsh. Sinabi ko nga sa aking kaibigan na tulungan akong mawala ang aking nararamdaman at may nahanap siyang isang artikulo kung saan ay isinasaad kung ano ang mga dapat gawin upang mawala ang iyong nararamdamang pag-ibig para sa isang tao. At ito ang nakalahad doon sa artikulo na iyon (pasensiya na po at medyo tamad na kong isalin ito sa tagalog pero ang mga komento ko po, na naka-bold, sa bawat isang hakbang ay tagalog)

1. Realize you are worth someone who loves you. You are worth someone who thinks you are beautiful and awesome. It’s always flattering to have an admirer, but you deserve better than to just be somebody’s ego boost. Dito pa lang ay mahirap ng gawin para sa akin dahil ito lamang ang naiiisip kong dahilan kung baket hindi niya ako magustuhan. Napaka-layo ng hitsura ko sa kanyang huwarang babae. Ang gusto niya ay maganda at seksi, ako ay malusog at pa-kyut.

2. See their faults. Nobody is perfect. The longer you hold on to the idea that this person is perfect, the harder it’ll be to get on with your life. It’s completely possible that you’re idealizing someone just so that you can have a fantasy to hold on to. You should accept that this person is not perfect, and definitely not perfect for you — because the perfect person for you would think as highly of you as you do of them. Okay sana itong hakbang na ito. Ang pagkakamali ko lang din ay natutunan ko na siyang tanggapin kung ano man ang pagkatao niya at kasama na doon ay kanyang mga maling nagagawa.

3. Distance yourself. You won’t want to, but staying close to someone you want but can’t have just isn’t healthy. Don’t tell the person or anyone close to them what you are doing, as they might try to convince you otherwise. Just try to get away for a while. Don’t call them, don’t go places where you know they frequent, and make yourself scarce. Take the time to reflect on your situation and learn more about yourself. Dito lang yata ako tumugma. Gusto ko munang magpakalayo sa kanya. Ngunit ayaw naman ng mga kaibigan namin. At matapos ang mga nangyari ay kinukulit pa din naman niya kong magsasama. Napapaisip din ako dahil ayoko din namang mawala siya sa akin at kung gagawin ko ito ay maaring tuluyan na din siyang umiwas sa kin. Ano ba talaga ang gagawin ko?

4. Date. While you are distancing yourself from said object of affection, try to meet people that you like. Don’t settle for whomever asks you out, or you might end up making someone fall in love with you whom you don’t love back! Approach people, try new things. You might want to compare everyone to the object of your affection, and you won’t think anyone measures up. Stop this right now. You know there’s someone better out there. Go find him or her! Eto pa! Wala nga akong kilala na pedeng i-date eh. Baka meron dyang gustong mag-prisinta? O di kaya baka may kakilala kayong gusto niyong ipakilala sa akin, sabihan niyo lang ako! ;D

5. Do whatever you can to feel better about yourself. Exercise, eat well, take a class, meet people, go to parties, have fun. Life is too short to spend it pining for someone who doesn’t see you for the great person you are! There are those out there who will. Eto unti-unti ko nang ginagawa, ang mag-ehersisyo at kumain ng wasto. Papagurin ko na lang ang sarili ko sa pag-eehersisyo. At sabi nga nila na pag nag-ehersisyo ka ay magre-release ng endorphins ang iyong katawan, at ang endorphins ay kilala na nagpapabawas ng sakit at emosyon.

6. Try behavioral conditioning similar to a Pavlov’s dog’s response. Every time you obsess over this person try thinking about something repulsive. Pretty soon, you will start associating this person with repulsion, so that eventually the person’s name will invoke disgust. Ayoko namang maging masama ang mga maalala ko tuwing maiisip ko siya. Ewan ko ba. Siguro nga talagang minahal ko siya at mahal ko pa din siya bilang kaibigan. Naging mabuti naman siyang kaibigan sa akin kaya hindi ko din siguro ito magawa.

Naisip ko tuloy, kung nasa akin nga talaga ang mga katangian na mga sinasabi niya, baket kaya hindi pa niya ko matutunan mahalin? Kaya nga hindi ko din maiwasan na pagdudahan kung totoo nga ba ang kanyang mga sinabi, o bola nga lang talaga lahat. Alam ko, I should give him the benefit of the doubt, gaya nga ng sinasabi ni CO. Nung sinabi niyang ayaw niyang mawala ako sa kanya, di ba niya naisip na sa sandaling magkaroon siya ng gelpren ulet o magdesisyon na gusto na nyang manahimik at magpakasal, hindi ba niya naisip na mawawala ulit ako sa kanya at maaring pangmatagalan na talaga? Kilala niya na ko, at alam niya na ang ugali kong takasan ang mga bagay-bagay. Kung matalino nga siyang tao eh dapat naisip niya yon. At yung sinasabi niyang mabigat niyang pakiramdam na hindi niya maintindihan pag naiisip niya na mawawala ako sa kanya… gusto kong alamin niya at isiping mabuti kung ano ba talaga itong pakiramdam na ito. Hindi namin kami super close na magkaibigan para maramdaman niya ito kung sakali mang kami’y magkakalayo.

Popularity: 100% [?]

39 Reactions to “Litratong Pinoy: Malungkot”

  1. kiwipino NEW ZEALANDon 01 May 2008 at 9:49 am

    whaaa!…malungkot, napakalungkot talaga ng isang nagdurugung puso.

    puwedeng humiram ng baril dito kung gusto ng magpatiwakal.
    http://kiwipinoy.blogspot.com/2008/05/malungkot-na-pag-gunita.html

    kiwipino’s last blog post..malungkot na pag-gunita

  2. ettey PHILIPPINESon 01 May 2008 at 10:28 am

    awww bu-ge! i feel you! parang pareho tayo ng pinagdadaanan ngayon :(

  3. vanidosa PHILIPPINESon 01 May 2008 at 10:44 am

    Aray ko! Napakanta ako. Very meaningful ang entry mo using a heart and a band-aid.

    vanidosa’s last blog post..My 3rd - Litratong Pinoy

  4. jennyL PHILIPPINESon 01 May 2008 at 10:49 am

    Buge.. wahhhh kumurot tuloy sa puso ko ang post mo na ito..nakikiemote daw ako oh.. masakit talaga umibig yay.. cheer up na lang Buge

    jennyL’s last blog post..: Litratong Pinoy: #5 Malungkot (SAD)

  5. joy PHILIPPINESon 01 May 2008 at 10:54 am

    napapakanta ako…….

    talaga namang nagdurugo ang puso ha Buge.

    joy’s last blog post..Teaching a breastfed baby to sleep on her own

  6. Suzanne PHILIPPINESon 01 May 2008 at 11:05 am

    Sige lang Buge, this too, shall pass. :)

    *hugsssss*

    Suzanne’s last blog post..Thinking

  7. Pixelminded PHILIPPINESon 01 May 2008 at 11:14 am

    salamat sa bati at salamat din sa pagbisita sa photoblog ko,kahit sadness yung theme ng LP ngayon,natuwa naman ako sa post mo kasi favorite ko yung kanta na yun eh. :)
    Pixelminded’s last blog post..Litratong Pinoy#5- Malungkot (Sad)

  8. G_mirage AUSTRIAon 01 May 2008 at 12:49 pm

    Wehehehe, galing ng konsepto mo ah….

    G_mirage’s last blog post..LP # 5 Malungkot

  9. Lizeth PHILIPPINESon 01 May 2008 at 12:58 pm

    nakakatuwa naman ang iyong larawan. :)

    pero talagang nakakalungkot ito!!

    Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot

  10. teys PHILIPPINESon 01 May 2008 at 1:19 pm

    … ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa iyong mga isinulat b. ang aking tanging masasabi ay huwag mong kalimutang mahalin ang iyong sarili at bigyang halaga ang iyong pagkatao sapagkat ikaw ay “espesyal” sa mata ng iyong Maylikha at nakapagdudulot ka ng kaligayahan sa Kanya. Ang iyong katapangan sa pag-amin ng iyong kahinaan ay nagbibigay kalakasan din sa mga maraming taong nahaharap din sa pagsubok… kabilang na ako dun :)

    maligayang LP!

    teys’s last blog post..Ballet pics

  11. Eds PHILIPPINESon 01 May 2008 at 2:22 pm

    Ang galing nang konsepto kaibigan! Sadyang malungkot ang ma-broken hearted!

    Magandang Huwebes Kaibigan!

    http://edsnanquil.com/?p=673

    Eds’s last blog post..♥ LP #5: Malungkot

  12. lidie PHILIPPINESon 01 May 2008 at 2:45 pm

    nakakalungkot naman…
    magandang huwebes sa’yo…

    lidie’s last blog post..LP #5 :: Malungkot

  13. emoterang nurse PHILIPPINESon 01 May 2008 at 3:33 pm

    i like the concept…
    kalungkot talaga pag broken hearted…it’s like you wanna die…
    galing naman ng photo…

    Happy huwebes…:)

    emoterang nurse’s last blog post..LP # 6 “SAD”

  14. iris AUSTRALIAon 01 May 2008 at 3:50 pm

    nice one buge! :) sa akin isa lang ang solusyon sa broken heart: patayin ang sanhi. hehehe kidding.

    magandang araw sayo!

  15. iska NEW ZEALANDon 01 May 2008 at 3:56 pm

    anak ng….
    wala na yatang lulungkot pa sa sugatang puso!
    payo ko lang na isipin mo… hindi ka pinanganak sa mundo para lang saktan ng isang tulad nya.
    natangay naman ako ng emosyon ko… aaawww!

    iska’s last blog post..Ang Malungkot na LP5

  16. sardonic nell UNITED STATESon 01 May 2008 at 4:06 pm

    oh my, kinakanta ko yan sa banyo habang naliligo. i just love lyrics, simple pero damang dama. eka nga nila ;)
    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot

  17. nona CHINAon 01 May 2008 at 4:28 pm

    Ang galing mong magpatawa sa mga comments mo Buge pero sa likod pala niyan ay ang iyong nagdurugong puso, masakit talaga ang kabiguan lalo na sa usaping puso..o siya cheer up na…lilipas din iyan. :)

  18. Thess NETHERLANDSon 01 May 2008 at 4:55 pm

    Aruuu teka nga B, pa hug muna *HUGS!*

    maniwala ka sa nakakatanda (aruy, ako yun, pero cge na..alang alang sa iyo ay aamin ako he he) lilipas din yan! Tama ginagawa mo, pagurin mo sarili mo sa ehersisyo pero wag naman sobra sobra at masama din iyun ha.

    Kapag ayaw sa iyo, aba eh ‘ next please’ :D uy pinapatawa lang kita ha….may irereto sana ako kaso nasa saudi brother ko ha ha!

    ingat lagi at darating ang panahon, hindi na kakailanganin ng puso mo ang band aid na yan ;)
    Thess’s last blog post..Soldier of misfortune and WW Link Love

  19. Linnor PHILIPPINESon 01 May 2008 at 5:22 pm

    kung may gamot lang sana sa mabilisang paghilom ng sugatang puso….

    hang in there buge!

    Linnor’s last blog post..Malungkot

  20. Chrys UNITED STATESon 01 May 2008 at 6:19 pm

    hi broken heart . . . sorry . . . you have not been spared!

    Chrys’s last blog post..LP#5: MALUNGKOT

  21. Pinky SAUDI ARABIAon 01 May 2008 at 7:05 pm

    Dagdagan pa ng Band-Aid at nang maghilom ng mas mabilis - dali! :lol:

    Puwera biro, Buge, malalampasan mo rin ito. Kaya mo yan, kapatid… nasa likod mo ang tropang LP! ;)
    Pinky’s last blog post..LP #5: Malungkot

  22. christine AUSTRALIAon 01 May 2008 at 7:16 pm

    ang galing ng symbolisms.. band aid at puso. sana ay maka recover ka na sa iyong pinagdaraanan.

    My LP Entry

    christine’s last blog post..LP 5: Malungkot (Sad)

  23. Girlie PHILIPPINESon 01 May 2008 at 7:21 pm

    di bale hihilom din ang sugat, at alam mo yan dahil nilagyan mo ng bandaid.

    Girlie’s last blog post..Litratong Pinoy #5 : Malungkot (sad)

  24. colby PHILIPPINESon 01 May 2008 at 8:21 pm

    ang ganda ng kuha mo, malakas ang mensahe.

    ang masasabi ko lang, sundin mo ang payo # 5. mas mabuti nang ika’y pang gawin ang gusto mong gawin, kaysa ika’y “committed” pero nasasakal naman. :)

    kaya mo yan! be strong! :)
    colby’s last blog post..ang simula ni POOH

  25. jeanny PHILIPPINESon 01 May 2008 at 9:06 pm

    kapatid, alam ko kung gano kasakit yan, kasi napag daanan ko na rin yan, Isang watertank na rin yata ang iniyak ko noon, nagmukha tuloy akong garfield sa kakaiyak. pero mag hihilom din in time. Sabi nga ng aking kaibigan sa akin noon…

    “you have to kiss a lot of frogs to find your one true prince.” hanuveh ang kulit di ba…hahaha..

    Kung kailangan mo ng kausap dito lang kami (Tropang LP). Maligayang araw po :)
    jeanny’s last blog post..LP#5 Malungkot

  26. zamejias PHILIPPINESon 01 May 2008 at 9:16 pm

    Seryosong usapan na to a! Masakit. Malungkot. Napakasakit. Napakalungkot… Nadaanan ko din ang mga to. Akala ko aya wala ng bukas… pero meron din pala… isang maligayang bukas ang naghihintay…

    Gandang Huwebes.

    zamejias’s last blog post..LP: Malungkot

  27. star UNITED STATESon 01 May 2008 at 9:47 pm

    ouch!!
    isipin na lang natin.. may nakalaan talaga para sayo… at darating din sya sa tamang panahon :)
    star’s last blog post..Litratong Pinoy #4: Hugis ay Pahaba

  28. cathy PHILIPPINESon 01 May 2008 at 9:59 pm

    Ouch. Can relate.
    Creative picture

    … very sincere post. *Hug kita* (only if you accept virtual hugs from strangers..hehe)

    cathy’s last blog post..It’s fun being a girl, ano?

  29. Clicking Away SAUDI ARABIAon 01 May 2008 at 11:09 pm

    Buge, naku, bakit nga ba ganito ang buhay… kailangan may nasasaktan. Di bale, idasal mo lang at sigurado ko ay lahat ay magiging maayos din.

    Maging matatag ka lagi. Ang kalungktan ay lilipas din.

    Clicking Away’s last blog post..LP005 - Malungkot

  30. julie PHILIPPINESon 01 May 2008 at 11:17 pm

    Virtual hug to you Buge.

    Alam mo,nabasa ko na ang iba mong entry about AA and CO. Siyempre, medyo nakakalito pero alam ko na masakit ang nasa ganyang sitwasyon. Sa isang banda, maaari din namang iyan ang nakakatulong sa iyo na maihanda ka sa iba pang pagsubok na dadating sa iyong buhay.

    Sana magkaroon ng happy ending ang iyong pinagdaraanan.

    julie’s last blog post..Litratong Pinoy : Malungkot

  31. yvelle 41.250.16.68 not foundon 02 May 2008 at 12:05 am

    napakadrama nga ng iyong story… good luck and have a great day! :)

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

    yvelle’s last blog post..LP # 5 Malungkot

  32. Meeya UNITED STATESon 02 May 2008 at 12:34 am

    hi buge, *hugs* muna para sa iyo. makailang beses na rin nasaktan ang puso ko. mahirap man paniwalaan pero, isang araw, merong darating sa buhay mo na magpaparamdam sa iyo ng tunay na pagmamahal. yung ma-aapreciate ka at kung ano ang kaya mong i-offer. at pag dumating ang araw na yon, lahat ng sakit na naramdaman mo ay mapapalitan ng kaligayahan. at yang tao na yan na binalewala ka, mare-realize din niya kung anong nawala sa kanya. pramis.

    MyMemes: LP Malungkot
    MyFinds: LP Malungkot

    Meeya’s last blog post..It’s In The Cart

  33. korky PHILIPPINESon 02 May 2008 at 12:38 pm

    hahaha. nakakatuwa ng entry mo. ang galing!

    korky’s last blog post..LP #5 Malungkot

  34. munchkin mommy UNITED STATESon 02 May 2008 at 2:34 pm

    sa litrato pa lang, ang dami na agad malilikhang interpretasyon at talaga namang angkop para sa tema. sana’y maghilom ang iyong sugat bagamat ito’y magkakaroon ng palatandaang marka.

    http://photos.cafemunchkin.com/2008/05/01/lp-5-malungkot-sad/
    http://munchkinmommy.wordpress.com/2008/05/01/lp-5-malungkot/

    munchkin mommy’s last blog post..LP #5: Malungkot (Sad)

  35. mousey GERMANYon 02 May 2008 at 8:13 pm

    nahihilom naman lahat ng sugat. isang pagsubok lang yan na natuto tayong manindigan.

  36. Grey UNITED ARAB EMIRATESon 03 May 2008 at 4:25 am

    waaaah.. malungkot talaga ang mabigo sa pag-ibig lalo na`t ito`y tunay at wagas. pero ha naalala ko tuloy un sabi nun kaibigan ko habang umiiyak siya: “for every girl with a broken heart, there`s always another boy with a scotch tape!” hehehe.. un litrato mo kasi parang ganun un sinimbolo nya, un nga lang band aid ang ginamit mo. mas makakahilom yan. :)

  37. adinille PHILIPPINESon 03 May 2008 at 8:53 am

    haaaaaaayyyy… haaaaaaaayyy…
    hihiramin ko sa wikang ingles ang kasabihang… Love cannot change what isn’t meant to be.

    haaaaaayyyyyy

  38. farah PHILIPPINESon 03 May 2008 at 9:14 pm

    hugs and kisses to you buge :) nice entry once again!

    farah’s last blog post..Lakbayan meme

  39. Kaje AUSTRALIAon 04 May 2008 at 2:53 pm

    ouch! hugs to you buge!

    Kaje’s last blog post..LP5 - Malungkot

Trackback URI | Comments RSS

Any comments, ideas, suggestions, violent reactions are welcome


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

*
To prove you're a person (not a spam script), type the answer to the math equation shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the equation.
Click to hear an audio file of the anti-spam equation