Pasensiya na po at medyo matagal akong hindi nakasali sa Litratong Pinoy. Ngunit sabi nga sa kanta… kaytagal mo mang nawala, babalik ka rin… at eto nga ako at nagbalik. :) Ang aking lahok para sa ngayong linggo ito ay ang larawan ng mga punong ito. Ang puno at mga halaman ay isa sa mga pinakamagandang luntian para sa akin. Diba’t napakaganda nilang tignan? Sana lang ay ganyan karami o mas marami pa ang mga puno sa ating buong paligid. Nakakalungkot kapag umaakyat ako ng bundok at nakikitang sobrang konti na lang ng mga puno. Haaay buhay! Ibabahagi ko lang itong nalaman ko tungkol sa mga puno… dati pag umaakyat ako ng bundok, naiinip ako parati na makarating na sa tuktok. Nung minsan ay nagpapahinga ako at sabi ng aking kaibigan na huwag na daw akong mainip dahil malapit na daw kami sa tuktok. Nang tinanong ko kung pano niya nalaman, sabi niya na pansinin ko daw ang mga puno… hindi na sila matataas. Eto ay dahil nasa taas na sila ng bundok. Kapag nasa baba sila ay parang nagre-reach out sila sa langit para masinagan ng araw kaya sila matatangkad. Mukhang may kabuluhan naman ang sinabi niya dahil napansin ko nga na mas pandak ang mga puno sa tuktok ng bundok kesa dun sa mga nasa baba atpagkatapos lamang nga ng ilang sandali ay narating na namin ang tuktok. :)

Mga ka LP meron po akong tag para sa inyo. Sana ay makasali kayo…

Making the Domino Tag come alive again ;)

{BEGIN COPY}

Domino

Rule: Copy the entire list and add your name at the bottom. And tag at least 5 friends. (But you can tag as many as you like).
Note: Please link the blog where you posted the tag :) We appreciate you linking all your blogs but make sure you post the tag in the blogs too.

Mommy Talks | Aggie Shoots. Aggie Scraps | All Kinds of Me Stuff | The Salad Caper | Winding Creek Circle | Anorexic Queen | Apple of Yan Ple | YanPle | Howell and Abie | My Planet Purple | WomenXplore | Princess Bela | My Happy Place | I am Dzoi | Cliktrik | Life’s Simple Pleasures | Coffee Table Conversations | 100% Kelly | My Colorful World | Ramdom Thoughts | Scribbles of My Life | In This Game of Life | The Shopaholic in Me | Mommyhood and Me | My Charmed Life | My Joys | Sassy Finds | Celebrating Life | Life is Peachy | Belly, Baby and Beyond | {BloggerHappy} | {BerryScrappy} | Esophoria | Shutter Bug | Pixel Dust | Forgotten |

{END COPY}

Share

24 responses


Do you want to comment?

Comments RSS and TrackBack Identifier URI ?

green na green nga ang entry mo,tamang tama para sa theme. :)

07/17/2008 14:27

lomo ba gamit mo dito buge? ganda ah!

kathycot’s last blog post..LP: Luntian

07/17/2008 15:21

ang ganda ng kuha!! parang ang sarap tumambay sa ilalim nyan at magbasa basa :smile:

ettey’s last blog post..:LP: BERDE:

07/17/2008 17:15

Ang ganda! Sarap magpicnic diyan. :!:

Parang sa UP :)

julie’s last blog post..Luntian

07/17/2008 18:30

Buge, ang ganda ng palo ng mga puno!! very very nice! :smile:

cge , tatandaan ko itong tag mo, thanks and happy LP sa yo!

Thess’s last blog post..A L F

07/17/2008 19:26

Ayan, andun na yung equation:D Sarap tumambay diyan, sa ilalim ng malilim na mga puno. Teka, parang acad oval yun ah:D

07/17/2008 19:42

Hi Buge, oo nga namiss ka namin. Ako man ay dalawang linggo na di nakasali.
Nakakalungkot nga pagmasdan ang kabundukang wala na gaanong puno. Happy Lp and welcome back! :)

Nona’s last blog post..LUNTIAN

07/17/2008 20:01

ang galing ng kuha, and what amazing trees :grin:
magandang pagsilungan kung mainit!

pining’s last blog post..Luntian

07/17/2008 20:26

Ah totoo nga ang sinulat mo tungkol sa mga puno (Pagabot sa langit) at nakalaungkot nga na umuunti na.

Ang galing nga mga puno sa litrato parang mron silang inaabot at nakadukwang ba…

SAli ako sa tag…Happy LP!

G_mirage’s last blog post..British Journal of Photography International Photography Award

07/17/2008 22:06

Pano ko copy yung image ng domino? Pag richt click ko kasi disabled daw yung function eh…thanks for info…

G_mirage’s last blog post..British Journal of Photography International Photography Award

07/17/2008 22:07

sa itsura ng iyong larawan…ito’y parang kuha sa UP Diliman. tanging lugar sa QC na mapuno.

dito ay marami pa ding puno…kaya naman ‘bush fire’ ang kalaban nila sa tuwing tag-init.

salamat po sa pagdalaw.

Reflexes’s last blog post..LP: Last Leaf (Huling Dahon)

07/17/2008 22:30

ganda…sa UP ba yan?

ako din gusto ko daming mga puno sa paligid ko, maganda!

Girlie’s last blog post..The Place for Sports Fanatics

07/17/2008 22:33

nakakarelax naman ng view! sa UP ba ito? ang sarap magliwaliw!

:oops:

fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#13:luntian [berde]

07/17/2008 23:40

uy may natutunan ako. :) thank you! at welkam bak sa lp buge! :)

Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds

Meeya’s last blog post..By: Marites

07/18/2008 00:01

gusto ko yung shape ng mga puno habang palayo – parang tunnel of trees :smile:

happy lp, buge!

teys’s last blog post..The Daily Scrapper 3rd issue is out!

07/18/2008 01:30

napakaganda! tunay na luntian… feel ko yatang mamahinga sa ilalim ng mga punong yan at magbasa. maligayang huwebes sayo at salamat sa pagbisita sa aking blog :grin:

07/18/2008 03:29

ganda nito buge, ito yung sa UP di ba? nice…. :)

lino’s last blog post..luntian…(green)

07/18/2008 11:40

may natutunan ako sa sinabi mo tungkol sa mga puno. :) sana nga mahikayat ang marami na magre-forest para lumago ulit ang mga puno

Linnor’s last blog post..Luntian (Green)

07/18/2008 11:55

Ang gaganda ng mga puno Buge. Love the shot!

Agring’s last blog post..Airplanes (Sky Watch Friday)

07/18/2008 12:46

Ang dramatic ng dating ng lahok mo ngayong linggo – nakaka-senti sa ganda! :arrow:

Pinky’s last blog post..LP #16: Luntian

07/18/2008 13:58

Agree ako dun sa nagsabing masarap magpicnic dito… Feeling ko ang maaliwalas dito. Ganda.

zamejias’s last blog post..Website Reviews

07/18/2008 18:50

:cool: astig to ang galing! welcome back sa LP!

07/19/2008 13:50

san mo to kinuha?

hello fellow Lasallian!!! i’m so happy na Lasallista ka at nasa LP ka! hehehe! :cool:

anong college ka? (shempre makipagchikahan daw…)

Jen’s last blog post..Blast of the week, post #1.

07/21/2008 12:20

ang ganda ng mga berdeng nagmumula sa lupa hanggang sa mga dahon ng puno…

iska’s last blog post..LP#17 – Sa Gawing Kanluran

07/25/2008 15:09

Comment now!












*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word





Trackbacks