Maligayang Huwebes mga ka-LP! Narito ang aking lahok para sa linggong ito…

Kung inyong mapapansin ay mahilig ako sa mga di pangkaraniwang bagay… eccentric ba ika nga nila. Katulad na lang ng bag na ito. Nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Sabang, Mindoro na kaunti lang ang dala naming pera. Sobrang tipid kami pero nang makita ko ang bag na ito ay talagang pinagkasya ko ang pera ko. Haha! Na-tempt na nga akong maghanap ng ATM para maka-withdraw ng pera para lang mabili to. Maliit lang ang bag na ito, mga 8 pulgada lang ang taas ng katawan ng bag. Memorable din ito dahil iyong punta naming iyon sa Mindoro ay muntik na kaming hindi makauwi dahil may papasok na bagyo at siyempre dahil sa mga taong kasama ko. At isa pang dahilan kung ba’t di ko to malilimutan ay dahil kumain ako ng buhangin nung gabing binili ko to. Haha! Hindi ko naman sinadya kaya lang nag-inuman kami ng mga kaibigan ko at yung isa eh binuhat ako. Eh siyempre sa laki ko ba naman eh di yon nalaglag niya ako at nasubsob ang mukha ko sa buhangin. Hahaha!
Happy LP! Salamat sa pagbisita!
——————————
This is my entry for Litratong Pinoy this week. You might have noticed that I prefer uncommon stuff… you might say that I’m a bit eccentric. Like this bag for example. My friends and I went to Sabang, Mindoro one time with very little money in our pockets but when I saw this bag I really looked for a way just so I could buy it. I was even tempted to look for an ATM so I could withdraw money, good thing I had enough to afford it. This bag is small, the body is only about 8 inches tall. This is memorable to me because we almost weren’t able to go home that time because there was a storm coming in. And I also ate sand that night I bought it, not intetionally of course. We were already drunk that time and my friend attempted to carry me. Obviously, because I’m huge, he accidentally dropped me, my face flat on the sand. Haha!
Happy LP! Thanks for dropping by!


9 responses
Do you want to comment?
Comments RSS and TrackBack Identifier URI ?
Trackbacks