Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

Magandang Huwebes sa aking mga kapwa litratista! Narito ang aking lahok para sa linggong ito. Ang aking mga paboritong alahas.

Ang una ay isang pares ng hikaw na ibinigay sa akin ng aking bespren na si Carl.

Noong kami ay nasa kolehiyo pa ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang exchange student sa Singapore at doon niya ito binili. Nang tinanong niya ako kung ano ang gusto kong pasalubong pag-uwi niya ay sabi ko kahit ano na pag nakita niya ay maaalala niya ako at eto nga ang nakita niya. Ako lang ang binigyan niya ng kakaibang pasalubong, ang iba naming mga kabarkada ay pare-parehas na keychain ang inuwi niya kaya naman labis akong natuwa. Ang mga bulaklak ay gawa sa marpil o garing (ivory).

Eto naman ang pangalawa:

Eto naman ang paborito kong palawit sa kwintas mula high school hanggang kolehiyo. Bigay ito ng aking nanay at araw-araw ko itong suot. Kung inyong mapapansin na ang kaliwang bahagi ng puso ay magaspang at ang kanang bahagi naman ay makinis.

Sana ay nagustuhan niyo ang aking lahok. Happy LP!

——————————

Here are my entries for this week’s Litratong Pinoy… my favorite jewelries. The first photo is a pair of earings that was given to me by my best friend Carl. He became an exchange student in Singapore during our college days and he bought it from there. He asked what I wanted and I told him to buy me something that would remind him of me when he sees it and this was what he found. I was the only one with a different memento from him, the rest of our friends received keychains and I was very touched. The flowers on the earrings are made of ivory.

The second photo is my favorite pendant from grade school to college. My mom gave me this and I wore it everyday. If you noticed, the left part of the heart is rough and the ohter half is smooth.

I hope you like my entries. Happy LP everyone!

Posted: March 19th, 2009 under Litratong Pinoy, Nikon Coolpix 4300, Photography.

Comments

Comment from SomethingPurple
19 March 2009 at 12:06 am

Grabe buge bukod sa magandang kuha at alahas, ang ganda din ng template mo :)
di pa pala ako nag cocomento sa tribute mo kay FrancisM.

Isa ka talagang artist :) :grin:
SomethingPurple’s last blog post..my new Clive Owen

Comment from maver
19 March 2009 at 12:13 am

ang ganda lagi ng mga litrato mo, buge! :)

ang aking lahok ay andito:
http://maver.wifespeaks.com/2009/03/lp-47-paboritong-alahas.html

happy lp!

maver’s last blog post..LP #47: PABORITONG ALAHAS

Comment from CES
19 March 2009 at 12:14 am

naalala ko noong mga panahon na usong uso iyang ganyang mga pusong palawit! ibat’t ibang size pa ang akin hehe!

CES’s last blog post..Litrato: Alahas

Comment from cal
19 March 2009 at 12:16 am

ang galing at ang linaw ng mga larawan mo :smile:
cal’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

Comment from kathycot
19 March 2009 at 12:24 am

idol talaga mga entries mo mare!!

kathycot’s last blog post..LP: Paboritong Alahas {favorite jewelry}

Comment from Yen
19 March 2009 at 12:30 am

Ang cute naman, Buge! Like ko yung earrings:)

Yen’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

Comment from jeanny
19 March 2009 at 12:32 am

cute noong hikaw. para syang icing sa cake. very cute!

jeanny’s last blog post..LP: Kikay Ini eh!

Comment from Thess
19 March 2009 at 12:49 am

Buge, mapuso ka din pala…special pa kasi galing sa nanay mo. Mga alahas na galing sa nanay ko naiwala ko na eh :???: sweet din ng friend mo!

love the shots..happy lp, sister!

Thess’s last blog post..Alahas mula sa karagatan (LP 50)

Comment from Gmirage
19 March 2009 at 2:15 am

Gusto ko ung hikaw, tweetums! hehe. magandang pamana ng iyong ina…happy LP!

Gmirage’s last blog post..Alahas/Jewelry - Litratong Pinoy

Comment from fortuitous faery
19 March 2009 at 2:51 am

kapuso! ganda ng pendant mo. :) :smile:

Comment from FickleMinded
19 March 2009 at 3:19 am

ay,super cute at ganda ng design ng hikaw!

FickleMinded’s last blog post..LP#20:Alahas (Jewelry)

Comment from Pinky
19 March 2009 at 4:27 am

Magaganda na e may sentimental value pa - panalo! :mrgreen:
Pinky’s last blog post..LP #50: Paboritong Alahas

Comment from JoyD
19 March 2009 at 7:07 am

Ang bait naman ng frend mo.. Type ko ang puso na palawit at saka for sure mahalaga sa iyo yan…. eto naman ang sa akin http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-paboritong-alahas.html

JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy (Paboritong Alahas)

Comment from Joy
19 March 2009 at 7:40 am

Ang cute ng hikaw Buge! Special ha!!

Maligayang LP!

Joy’s last blog post..LP: Paboritong Alahas

Comment from Meeya
19 March 2009 at 8:55 am

kung katulad ni carl ang kaibigan ko, mamahalin ko rin siya, hehe! napaka-sweet at napaka-thoughtful. i’m sure tine-treasure mo ang iyong kaibigan katulad ng pag-treasure mo sa kanyang pasalubong sa iyo. :)

meron din binigay ang mommy ko sa akin na kwintas nung high school pero, sa kasawiang palad, na i-snatch sa recto, huhuhu. buti ang sa iyo, nasa iyo pa rin. :)

happy lp, buge! :D
Meeya’s last blog post..Paboritong Alahas

Comment from lino
19 March 2009 at 9:14 am

nice buge, nice shots… ganda ng dof mo… ayos… happy huwebes… :)
lino’s last blog post..alahas…(jewelry)

Comment from mEldita
19 March 2009 at 9:18 am

Ang ganda nung hikaw! :)

Maligayang LP! :)

Comment from Munchkin Mommy
19 March 2009 at 9:49 am

ang sweet naman ng iyong bespren! at siyempre, kapag bigay ng ating ina, instant paborito agad talaga! :)
Munchkin Mommy’s last blog post..LP: Polo at Alahas

Comment from Em Dy
19 March 2009 at 10:03 am

Nakakatuwa naman si Carl, ang ganda din ng kuha mo ng mga hikaw. Magandang Hwebes!

Em Dy’s last blog post..Pera o Bayong

Comment from MariTes
19 March 2009 at 10:15 am

ay ang ganda ng kuha mo. paminsan lang ako makita ng alahas na gawa sa Ivory. Sana naman, hindi sungay ng elepante ang ginamit ano. May tanim na kasi na kapareho sa ivory.

Marpil o Garing pala ang tawag sa Ivory. Dito ko lang yan nalaman:)

Maligayang LP!

MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#43 Paboritong Alahas(Favorite Jewelry)

Comment from sassy mom
19 March 2009 at 10:26 am

Ang gaganda. Gusto ko iyang earrings, kakaiba. Pwedeng pang araw araw. Gandang Huwebes!

sassy mom’s last blog post..LP : Paboritong Alahas

Comment from Rico
19 March 2009 at 10:57 am

Maganda yung hikaw, at sa ivory pala ito gawa.

Rico’s last blog post..LP003: Paboritong Alahas

Comment from Linnor
19 March 2009 at 11:07 am

katuwa namann ang kwento sa likod ng iyong mga paboritong alahas :)
Linnor’s last blog post..LP: Paboritong Palamuti

Comment from julie
19 March 2009 at 11:45 am

Ang ganda, at especial pa dahil sa sentimental value :)

Happy LP!

Comment from luna miranda
19 March 2009 at 12:08 pm

ang ganda ng ivory earrings mo, ang dainty ng hitsura. at yong pendant, iba talaga pag mahal mo ang nagbigay sa ‘yo.

luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: paboritong alahas (favorite jewelry)

Comment from Cookie
19 March 2009 at 2:20 pm

ang ganda ng mga kuha mo. wala talagang tatalo sa isang bagay na may sentimental value :)
Cookie’s last blog post..Cheers To The Graduates

Comment from redlan
19 March 2009 at 6:50 pm

Kumikinang!

Comment from HiPnCooLMoMMa
20 March 2009 at 8:21 am

ang cute nung flower na earrings

meron akong ganong klaseng heart pero earrings naman, magaspang at makinis

HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Paboritong Alahas : 42nd Litratong Pinoy

Comment from carnation
20 March 2009 at 10:46 am

very touching ang ganda ng kwento!

carnation’s last blog post..LP50: Paboritong Alahas (Favorite Jewellery)

Write a comment





*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word