Litratong Pinoy: Paboritong Litrato

Magandang Biyernes mga ka-LP! Kamusta kayo? Ang inet diba? :D Bago ang lahat ay gusto kong bumati ng Happy Birthday sa Litratong Pinoy! Yehey! Isang taon na ang LP at sana ay matagal pa tayong magkasama-sama!

Narito ang lahok ko para sa linggong ito…


Ito ang pinaka-bagong paborito ko na litrato na aking kinunan. Siyempre pa at Lomo na naman yan… hanggang plastic na kamera lang kase ang kaya kong bilhin. Haha! Kuha ito sa Punto Miguel sa Anilao, Batangas noong isang, isang linggo. Sobrang tirik ng araw niyan. Talagang iba na ang panahon ngayon. Naalala ko noong 2000-2001, kung saan halos linggo-linggo ay nasa Anilao kami, kahit maghapon kami lumangoy at magpaaraw ay hindi naman ako masyadong umiitim. Pero ngayon, halos dalawang oras lang ako naka-bilad sa araw at nasunog agad ang aking balat, as in sunog.

Ang tawag dun sa mga butas sa gilid ay “sprockets.” Ang film kse talaga para sa Holga ko na camera ay ang 120 format. Mas malaki ito kesa sa karaniwang 35mm film kaya’t pag ginamitan ng 35 ang Holga ay nasasakop ng isang frame pati yung mga butas sa gilid nung film. Naintindihan niyo ba? Pasensiya na at magulo talaga ko magpaliwanag. Haha! Kita din pati yung mga numero at detalye nung film na ginamit ko.

Wala din akong proseso na ginawa para maging ganyan ang kulay at itsura ng larawan. Diba’t napaka-old school ng dating? Haha! Kaya ulet naging ganyan yan ay gumamit ako ng slide film at pina cross-process ko eto. Magkaiba kse ang kemikal na ginagamit pag develop ng ordinaryong colored film at slide fim. Pag cross-process ay gagamitin nila ang kemikal na dapat ay para sa colored film para i-develop ang slide film. At yan ang kinalabasan, ang kakaiba niyang kulay at depende din yan sa brand ng film na ginamit.

Sana ay nagustuhan niyo ang lahok ko ngayong linggong ito. Salamat sa pagbisita!

——————————

Before anything else… Happy 1st Birthday Litratong Pinoy!!! Yay!

This is my entry for this week… my newest favorite photo that I took. Again, this is lomo because plastic cameras are all that I can afford. Haha! This photo was taken ac ouple of weekends ago at Punto Miguel in Anilao, Batangas. The sun was so hot that day and the weather has really changed. I remember when we used to go Anilao almost every weekend way back in 2000-2001, even if we stay out in the sun for almost the whole day, I didn’t get sunburned very much. But this time, I only stayed out for about a couple of hours and I was already burnt, and I mean burnt and not just tanned.

The holes on the sides of the photo are called sprockets. The Holga camera uses a 120 film format. It is bigger than the common film we use, the 35mm, that’s why when you use a 35 film on a Holga, the frame is bigger than the film itself so the photo occupies even the sprockets of the film. You can even see the details of the film I used.

I also didn’t edit the photo. Again, I used a slide film and had it cross-processed. It was developed using chemicals intended for ordinary colored film.

Posted: April 3rd, 2009 under Holga 120GCFN, Litratong Pinoy, Photography, Sprockets.
Tags: , ,

Comments

Comment from laagan
2009/04/03 at 02:57

bayaan mo na yang pag itim ng balat at babalik din yan sa dati. ang importante eh masaya kayo sa outing nyo

laagan’s last blog post..LP: Paboritong Larawan

Comment from sha
2009/04/03 at 03:27

wow old school indeed, great shot

sha’s last blog post..paboritong litrato

Comment from Thess
2009/04/03 at 04:37

Tita Buge, I like!! :mrgreen: naku eh mukhang i aadmire ko na lang mga lomo shots mo. Kasi naman ay nahihiya akong gamitin si Helga (holga) ko at hindi uso ditesh. Minsan ginamit ko sa city, halos pagtawanan ako ng katabi ko at asawa ko ba naman ay lumayo ng tayo sa akin *lmao!*
Akala ko ginamitan mo ng filter ito, processing pala. Si Helga naman ay may 35mm adapter, pero gusto ko effect ng sprockets. Hmmm anyway d pa ubos ang film, tingnan ko nga kung kasing steady ng kamay ko ang mga kamay mo…I doubt it. Uber steady hands mo, galing!!

Happy LP Anniversary din sa iyo!

Thess’s last blog post..Paboritong (mga) Litrato (LP 52)

Comment from MArites
2009/04/03 at 06:52

hindi baleng umitim ka, basta todo saya. GAnda ng kuha mo sa litrato mo ah. pang-magazine.

MArites’s last blog post..Litratong Pinoy#45 Paboritong Litrato (Favorite Picture)

Comment from Munchkin Mommy
2009/04/03 at 08:16

hindi ko lang gusto ang lahok mo, buge, kundi gustung-gusto! salamat sa iyong pagpapaliwanag! :D
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #52: Paboritong Litrato (Favorite Photo)

Comment from upto6only
2009/04/03 at 08:51

ang ganda ng kuha mo :)
upto6only’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

Comment from lino
2009/04/03 at 10:29

nice buge… ganda ng kinalabsan… Happy 1st Anniversary to us all!!! :)
lino’s last blog post..favorite pic…

Comment from Rico
2009/04/03 at 11:12

I’ve always been fascinated with Lomo. :lol:
Great shot by the way.

Rico’s last blog post..LP004: Paboritong Litrato

Comment from yeye
2009/04/03 at 11:40

lomo…galing :)

ako din, may paboritong litrato! :D

may peborits :D

HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!

yeye’s last blog post..peborits - LP#52 Paboritong Litrato

Comment from Linnor
2009/04/03 at 12:13

maganda ang dating ng pic. parang 70s. at very informative ang iyong paliwanag… yung post-processing ay puede na rin gawin online. ;)
Linnor’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

Comment from Sreisaat
2009/04/03 at 13:44

Angganda!@ Nakaka-engganyong sumilong sa kubo na ito at dahil nararamdaman mo rin ang init sa litrato. Galing! Marami na rin ang nag-pa-praktis ng lomo photography kaya pati ako ay nagkaka-interes na rin.

Sreisaat’s last blog post..Litratong Pinoy #28: Paboritong Litrato (favorite picture/s)

Comment from sassy mom
2009/04/03 at 19:31

Ang galing ng shot mo. Nice choice! Happy Anniversary sa ating lahat sa LP!

sassy mom’s last blog post..LP : Paboritong Litrato

Comment from Jay - Agent112778
2009/04/03 at 20:26

ang galing naman nyan

sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Comment from Gmirage
2009/04/03 at 23:29

Galing di ba? Di ko pa din nasubukan maglomo….interesting din talaga… Happy LP!

Gmirage’s last blog post..Fevorit - Litratong Pinoy

Comment from Emir
2009/04/05 at 09:14

Napakaganda ng larawan! Ang ganda ng kinalabasan. Parang panahon pa ng 70s! Ang galing!

Comment from Emir
2009/04/05 at 09:15

Napakaganda ng larawan! Ang ganda ng kinalabasan. Parang panahon pa ng 70s! Ang galing!

Emir’s last blog post..Puno (LP)

Comment from SomethingPurple
2009/04/07 at 09:25

as usual ang ganda na naman buge!

na eenganyo na ako sa lomo na yan ha hahah :) have a blessed holy week :)

Comment from luna miranda
2009/04/07 at 17:00

kakaiba nga ang kulay nito..pero ang ganda ng composition.

luna miranda’s last blog post..Weekend Snapshot: Corregidor Island

Write a comment





*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word