There’s a bridge to tomorrow, there’s a bridge from the past
There’s a bridge made of sorrow that I pray will not last
There’s a bridge made of colors in the sky high above
And I think that there must be bridges made out of love

Jones Bridge

Magandang araw mga ka-LP! Ang lahok ko ngayong linggong ito ay walang iba kungdi ang Jones Bridge na makikita sa Maynila. Kuha ito noong unang EB ng LP noong araw ng Kalayaan noong isang taon.

Ang Puente de España, na nagdudugtong sa Binondo at Ermita, ay unang itinayo noong 1701 kapalit ng Puente Grande na nasira nung lumindol noong 1863. Noong 1916 ay Itinayo ulit ng mga Amerikano ang tulay at isinunod ang pangalan nito kay Atkinson Jones na isang miyembro ng US Congress at chairman ng Insular Affairs Committee na nag-sponsor ng Philippine Autonomy Act ng 1916, o ang mas kilala natin bilang Jones Law. Narito ang larawan ng Jones Bridge noon.


(Photo from wikimapia.org)

Ang ganda diba? Sayang lang at hindi na-preserve ng gobyerno natin ang dati nitong itsura.

Happy LP! :D

——————————

Happy Thursday everyone! My entry for this week is a photo Jones Bridge which is located in Manila. I took this shot during Litratong Pinoy’s 1st EB last year.

Puente de España, which connects Binondo and Ermita, was built in 1701 replacing Puente Grande, which was destroyed by the earthquake of 1863. The Americans rebuilt it in 1916 and renamed it after Atkinson Jones, a member of the U.S. Congress and chairman of the Insular Affairs Committee who sponsored the Philippine Autonomy Act in 1916 (Jones Law).

Share

22 responses


Do you want to comment?

Comments RSS and TrackBack Identifier URI ?

Hindi ko ubos akalain na 10 taon akong dumadaan sa tulay na iyan araw-araw noong ako ay nagtratrabaho sa Taft Ave. at nung huling 2 taon ay sa UN ave. naman, ang ayoko lang sa tulay na yan ay sobrang traffic lalo na sa rush hour, pero noong tinuro ko iyan sa anak ko eh talagang tuwang tuwa sila dahil nakatigil ang jeep sa gitna nito dahil sa traffic!

Willa’s last blog post..LP#24:Tulay(Bridge)

04/30/2009 00:26

ay aliw ang huling shot!

gustong gusto ko talaga layout mo buge! happy lp!

04/30/2009 00:30

nahulaan ko agad ng bridge na yan, pano halos araw araw kong nilalakad yan nung ako’y nagtratrabaho pa sa escolta

HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Tulay (Bridge) : 56th Litratong Pinoy

04/30/2009 00:43

uy!!! tumaas yung tubig oh

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 55 : Tulay (bridge)

04/30/2009 01:56

sayang nga di na-preserve ang lumang tulay.

luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: tulay (bridge)

04/30/2009 02:03

Hinaing ko din yan kung bakit hindi naging mapag-isip ang gobyerno natin sa kultura at history ng Pinas…sayang! Ganda pa rin naman sha ngayon or dahil ba iyan sa pagkakakuha mo? Happy LP!

gmirage’s last blog post..Tulay/Bridge – Litratong Pinoy

04/30/2009 03:39

Si Bridget Jones! Araw araw kami diyan dumadaan nung bata pa ako…natuwa nga ako nung isang beses pagbalik sa Maynila at dumaan kami ng hatinggabi dito. Napaka romantiko. Nakuha mo ang ganda niya…

Eto lahok ko: http://pic.blogspot.com/2009/04/tulay.html

04/30/2009 07:23

Ang ganda ng unang kuha mo. Parang may nakita kong poster dati na ganyan din ang kuha kaso sepia yung effect. Magandang araw!

Rico’s last blog post..LP007: Tulay

04/30/2009 08:23

napakanta ako buge! hehe! ganda naman ng picture! galing galing mo talaga! :)

toni’s last blog post..Swimming

04/30/2009 09:34

Ang ganda ng header pic mo!! Pano mo ginawa? :wink:

Makasaysayan iyang JOnes Bridge na yan, nagdaan ng giyera at kung anu-ano pa. sayang nga lang at napabayaan. May balitang pagagandahin daw iyan ng gobyerno, sana tutuo.

04/30/2009 09:53


Nice shot! Naalala ko nung nasa high school ako lagi ko yang nadadaanan kasi diyan malapit nakaparada ang mga bus na papunta sa amin. :lol:

Eto naman ang lahok ko.

04/30/2009 10:08

ganda ng kuha mo. galing. mas lalong maganda pa ang tulay na iyon kung naalagan.

Magandang LP!

04/30/2009 11:08

Gustong gusto ko nga yang Jones Bridge sa Maynila.

Nga pala, it was so nice to meet you sa EBaliwan.

Ang aking tulay ay nakapost dito. Gandang araw!

ShutterHappyJenn’s last blog post..Tulay (Bridge)

04/30/2009 13:48

tagal ko ng d nadadaan dyan sa tulay na yan.. nag laki ng kaibahan na no lalo sa tubig sa ibaba..
napost ko na rin pal Eb natin

Happy LP!! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html
http://jennytalks.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html

jennyL’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay (Bridge)

04/30/2009 14:10

Wow sis! Ang gaganda naman ng mga shots.. oo nga sayang at hindi nila ito inalagaan..

Eto ang akin

http://edsnanquil.com/?p=1416

Eds’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay {Bridge}

04/30/2009 16:06

Buge! Peborit song ko yan :lol:

julie’s last blog post..Tulay Para sa Kaunlaran

04/30/2009 16:10

magandang huwebes buge! meron din kami Jones dito pero hindi bridge kundi beach resort :)

maganda ang lahok mo! sumali ako sa linggong ito! :)

Tere’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay | Old Mactan Bridge in Cebu

04/30/2009 17:22

nde lang maganda ang kuha kundi informative post din. salamat sa dalaw. happy LP!

milet’s last blog post..LP 55 : Tulay (Bridge)

04/30/2009 17:33

Nice shot buge.

Nalala ko tuloy an gtulay na yan noong college ako. kakalungkot lang kasi napapabayaan ang mga lugar na part ng ating history.

Happy LP sistah!

04/30/2009 23:26

parang ang linis pa naman nya at ang ganda dahil black and white:)

CES’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay [Bridge]

05/01/2009 05:39

Hello, I love the pictures you are posting. I understand you are using a LOMO here. Nice editing.

dennis villegas’s last blog post..Iloilo:A Glimpse of Town and People

05/04/2009 23:38

Comment now!












*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word





Trackbacks