Magandang Huwebes mga ka-LP! Pasensiya na at medyo matagal akong nawala dahil nagka-problema ang aking kompyuter at kinailangan kong magpalit ng bago. Nais ko ding batiin si Lino na miyembro din ng LP… nanalo siya ng ika-apat na puwesto sa photography contest ng Aliwan Fiest. Congratulations Lino!!!
Uumpisahan ko na ang aking lahok… eto ang kaibigan kong si Carl…

Siya ang aking travel buddy noong ako nagpunta ng Cambodia. Marahil ay nagtataka kayo kung ano kayang pino-pose niya dyan eh wala namang magandang view sa likod kungdi puro bato na nilulumot.

Eto naman ang isa sa mga entrada ng Baphuon o ang tinatawag na Copper Tower sa Angkor. Eto ay isa sa mga templo na makikita sa Angkor sa Cambodia. O diba ang dami pa din nung mga bato na nakakalat sa lapag?

O ayan, tignan na natin ng malapitan ang mga bato… ano ba talaga tong mga to? Sige na nga ikukukwento ko na. Ang mga batong eto ay parte ng Baphuon temple na nasira na dahil ito ay itinayo sa lugar na mabuhangin. Tignan nating ng mas malapit pa ang mga bato.

Kung mapapansin niyo ay may nakamarkang mga numero sa mga bato. Sinusubukan nilang buuin muli ang templo at ang mga numerong iyon ay palatandaan kung saan naka-pwesto ang mga bato. Diba parang isang giant puzzle? Tingin niyo, imposible ba ito?
——————————
These are stones which were part of the Baphuon temple in Angkor, Cambodia. The temple started to collapse a long time ago because it was built on an area filled with sand. Up to now, there are still attempts to re-built the temple. It’s like one gigantic stone puzzle. So, what do you think? Is this impossible?
Happy Thursday everyone!


11 responses
Do you want to comment?
Comments RSS and TrackBack Identifier URI ?
Trackbacks