Archive for the 'Litratong Pinoy' Category

May 15 2008

Litratong Pinoy: Umaapoy

Published by B under Litratong Pinoy

Minsan ay nagbakasyon ako sa bahay sa La Union ng aking dating editor. Nung gabi ay nag-ihaw kami ng aming kakainin para sa hapunan. Pagkatapos naming mag-ihaw ay nag-ayos kami ng hapag kainan at habang inaayos namin ito ay nadinig ko si editor na sinisigaw ang pangalan ko, pinagmamadali akong pumunta kung saan siya naroroon. Pinakuha niya din ang aking kamera at bilisan ko daw kaya’t dali-dali akong nagtatakbo pabalik ng bahay para kuhanin ang kamera. Pagdating ko sa kanyang kinaroroonan ay nakita ko ang mga nagbabaga pang abo mula dun sa apoy na lumilipad at tila sumasayaw sa hangin. Dali-dali ko itong kinuhanan ng larawan at medyo tinagalan ko ang exposure para makita ang direksyon ng mga abong lumilipad. Diba’t napakaganda ng kinalabasan? Sana ay nagustuhan niyo ang aking lahok para sa linggong ito.

Popularity: 82% [?]

30 responses so far

May 01 2008

Litratong Pinoy: Malungkot

Published by B under Litratong Pinoy

 

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayokong may makakita
Kahit anong sakit ang aking naranasan
Yan ay ayokong kanyang malaman

 Mga araw na nagdaan, kailanma’y hindi malilimutan
Kay tamis na raw ng pagmamahalan
Ang akala ko’y walang hangganan

 Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa’yo
Kaya’t sa Maykapal tuwina’y dalangin ko
Sana’y kapalaran ko ay magbago

Ang tema ngayong linggong ito ay saktong-sakto sa kalagayan ng aking puso. Kung wala kang magawa at gusto mong malaman kung baket ay magbasa-basa lang nitong blag ko at malalaman mo din ang dahilan. Umpisahan mo noong Marso 17, dun sa post na ang titulo ay Insensitive. Kung gusto mo naman shortcut ay basahin ang aking post na Harsh. Sinabi ko nga sa aking kaibigan na tulungan akong mawala ang aking nararamdaman at may nahanap siyang isang artikulo kung saan ay isinasaad kung ano ang mga dapat gawin upang mawala ang iyong nararamdamang pag-ibig para sa isang tao. At ito ang nakalahad doon sa artikulo na iyon (pasensiya na po at medyo tamad na kong isalin ito sa tagalog pero ang mga komento ko po, na naka-bold, sa bawat isang hakbang ay tagalog)

1. Realize you are worth someone who loves you. You are worth someone who thinks you are beautiful and awesome. It’s always flattering to have an admirer, but you deserve better than to just be somebody’s ego boost. Dito pa lang ay mahirap ng gawin para sa akin dahil ito lamang ang naiiisip kong dahilan kung baket hindi niya ako magustuhan. Napaka-layo ng hitsura ko sa kanyang huwarang babae. Ang gusto niya ay maganda at seksi, ako ay malusog at pa-kyut.

2. See their faults. Nobody is perfect. The longer you hold on to the idea that this person is perfect, the harder it’ll be to get on with your life. It’s completely possible that you’re idealizing someone just so that you can have a fantasy to hold on to. You should accept that this person is not perfect, and definitely not perfect for you — because the perfect person for you would think as highly of you as you do of them. Okay sana itong hakbang na ito. Ang pagkakamali ko lang din ay natutunan ko na siyang tanggapin kung ano man ang pagkatao niya at kasama na doon ay kanyang mga maling nagagawa.

3. Distance yourself. You won’t want to, but staying close to someone you want but can’t have just isn’t healthy. Don’t tell the person or anyone close to them what you are doing, as they might try to convince you otherwise. Just try to get away for a while. Don’t call them, don’t go places where you know they frequent, and make yourself scarce. Take the time to reflect on your situation and learn more about yourself. Dito lang yata ako tumugma. Gusto ko munang magpakalayo sa kanya. Ngunit ayaw naman ng mga kaibigan namin. At matapos ang mga nangyari ay kinukulit pa din naman niya kong magsasama. Napapaisip din ako dahil ayoko din namang mawala siya sa akin at kung gagawin ko ito ay maaring tuluyan na din siyang umiwas sa kin. Ano ba talaga ang gagawin ko?

4. Date. While you are distancing yourself from said object of affection, try to meet people that you like. Don’t settle for whomever asks you out, or you might end up making someone fall in love with you whom you don’t love back! Approach people, try new things. You might want to compare everyone to the object of your affection, and you won’t think anyone measures up. Stop this right now. You know there’s someone better out there. Go find him or her! Eto pa! Wala nga akong kilala na pedeng i-date eh. Baka meron dyang gustong mag-prisinta? O di kaya baka may kakilala kayong gusto niyong ipakilala sa akin, sabihan niyo lang ako! ;D

5. Do whatever you can to feel better about yourself. Exercise, eat well, take a class, meet people, go to parties, have fun. Life is too short to spend it pining for someone who doesn’t see you for the great person you are! There are those out there who will. Eto unti-unti ko nang ginagawa, ang mag-ehersisyo at kumain ng wasto. Papagurin ko na lang ang sarili ko sa pag-eehersisyo. At sabi nga nila na pag nag-ehersisyo ka ay magre-release ng endorphins ang iyong katawan, at ang endorphins ay kilala na nagpapabawas ng sakit at emosyon.

6. Try behavioral conditioning similar to a Pavlov’s dog’s response. Every time you obsess over this person try thinking about something repulsive. Pretty soon, you will start associating this person with repulsion, so that eventually the person’s name will invoke disgust. Ayoko namang maging masama ang mga maalala ko tuwing maiisip ko siya. Ewan ko ba. Siguro nga talagang minahal ko siya at mahal ko pa din siya bilang kaibigan. Naging mabuti naman siyang kaibigan sa akin kaya hindi ko din siguro ito magawa.

Naisip ko tuloy, kung nasa akin nga talaga ang mga katangian na mga sinasabi niya, baket kaya hindi pa niya ko matutunan mahalin? Kaya nga hindi ko din maiwasan na pagdudahan kung totoo nga ba ang kanyang mga sinabi, o bola nga lang talaga lahat. Alam ko, I should give him the benefit of the doubt, gaya nga ng sinasabi ni CO. Nung sinabi niyang ayaw niyang mawala ako sa kanya, di ba niya naisip na sa sandaling magkaroon siya ng gelpren ulet o magdesisyon na gusto na nyang manahimik at magpakasal, hindi ba niya naisip na mawawala ulit ako sa kanya at maaring pangmatagalan na talaga? Kilala niya na ko, at alam niya na ang ugali kong takasan ang mga bagay-bagay. Kung matalino nga siyang tao eh dapat naisip niya yon. At yung sinasabi niyang mabigat niyang pakiramdam na hindi niya maintindihan pag naiisip niya na mawawala ako sa kanya… gusto kong alamin niya at isiping mabuti kung ano ba talaga itong pakiramdam na ito. Hindi namin kami super close na magkaibigan para maramdaman niya ito kung sakali mang kami’y magkakalayo.

Popularity: 100% [?]

39 responses so far

Apr 24 2008

Litratong Pinoy: Hugis ay Pahaba

Published by B under Litratong Pinoy

Maligayang Huwebes! Ang tema ngayon sa Litratong Pinoy ay Hugis ay Pahaba. Naghanap ako aking mga lumang larawan at ito ang aking nakita. Ito ay ang larawan ng tulay sa ilog ng Kwai. Diba’t napahaba niya? Ito ay may habang 415 na kilometro at tumatakbo sa gitna ng Bangkok, Thailand at Rangoon Burma, na ngayon ay kilala na bilang Myanmar. Ito ay isang pasyalan ng mga turista sa Thailand. Pinasyalan namin ito ng aking mga kaibigan noong kami ay magawi ng Thailand noong taong 2000. Pwede ka ding pumunta doon sa may tulay, at kung iyong titignan mong mabuti ay makikita mong marami ding mga tao doon. Kilala din ang tulay na ito bilang Burma Railway, Death Railway, at Thailand-Burma Railway. Mahigit isang daang libo mga manggagawa ang namatay sa proyektong ito. Meron ding pelikula noong 1957 na ganito ang titulo. Ito ay hango sa nobela ng Pranses na manunulat na si Pierre Boulle. Sana ay nagustuhan niyo ang ibinahagi kong larawan sa inyo ngayon at kahit papano sana ay may kaunti kayong natutunan.

Happy Thursday! The theme for today in Litratong Pinoy is something that’s long. I looked at my old photos and found this. This is a picture of the bridge on the River Kwai. It’s long, isn’t it? This bridge is 415 kilometers long and it runs between Bangkok, Thailand and Rangoon, Burma, which is now known as Myanmar. This is one of the tourist spots in Thailand. My friends and I visited here when we went to Thailand in 2000. You can also go to the bridge, and if you look closely you can see many people on the bridge. This bridge is also known as the Burma Railway, Death Railway, and Thailand-Burma Railway. More than 100,00 laborers died on this project. There is also a 1957 film of the same title. It was based on the novel of the French writer Pierre Boulle. I hope you liked what I shared with you today and hope that you somehow learned something from it.

Popularity: 48% [?]

38 responses so far

Apr 19 2008

Litratong Pinoy: Apat Na Kanto

Published by B under Litratong Pinoy

Pasensiya na at medyo nahuli itong entry ko
Nakainom kse ang lola niyo ng dalawang gabi
Kaya hindi ako nakahanap ng pi-piktyuran ko
Kahapon lang ng umaga ng ako’y makauwi

 

At eto ang aking nakita
Di ba’t eto ay may apat na kanto?
Ito ay lalagyan ng kandila
At sana ito’y magustuhan niyo!

——————–

Sorry this is late
I got drunk the past couple of nights
So I weren’t able to look for a subject
Only yesterday morning when I got home.

 And this is what I found
It does have four corners, doesn’t it?
This is a candle holder
And I hope you’ll like it!

Popularity: 21% [?]

7 responses so far

Apr 10 2008

Litratong Pinoy: Tatlo Ang Sulok Ko

Published by B under Litratong Pinoy

Eto na… Katulad ng mga kaibigan kong bebots, sumali din ako sa Litratong Pinoy. Sayang at hindi ako nakasali nang mas maaga, na-miss ko tuloy ang unang linggo na tungkol sa bilog. Okay lang naman… at eto ang aking unang lahok na may tatlong sulok.

Here it is… Like my bebot friends, I also joined Litratong Pinoy. Too bad I wasn’t able to join earlier, I missed the first week about Circles. But it’s okay… and here’s my first entry with three corners.

Ako ay isang upuan at ako may tatlong sulok.
Ako ay dinadala ni Buge pag umaakyat ng bundok.
Ngunit ngayon ako ay nakatabi na lang sa isang sulok.
Nami-miss ko na si Buge pati ang bundok.

I’m a chair and I have three corners.
Buge brings me when she climbs a mountain.
But now I’m just on one corner.
I miss Buge and I miss the mountains.

Popularity: 37% [?]

31 responses so far