Design by Techdesigns.co.uk.

Litratong Pinoy: Dito Lang (Only here)

Magandang Huwebes mga ka-LP!

Lambanog

Alam mo ba na dito lang sa Pinas merong Lambanog? Ang Lambanog ay isang uri ng Arrack. Ano nga ba ang Arrack? Japanese ng alak? Haha! Corny! Ang arrack ay alak na gawa sa burong prutas, tubo, o dagta ng niyog. Isa sa mga paborito ko ang lambanog kase madali akong malaseng. Haha! Ayoko lang dito ay isa itong traydor… akala mo ay okay ka pa pero pag naglakad ka ay gegewang-gewang na.

——————————

Did you know that you can find Lambanog only here in the Philippines. Lambanog is what they call the coconut vodka. It is a type of Arrack or an alcoholic beverage made from fermented fruit, sugarcane, or sap of coconut palms. This is one of my favorite drinks because of it’s high alcohol content. Haha! What I don’t like about it is it’s a traitor. You think you’re still sober until you stand up and try to walk.

Edited: June 25th, 2009

Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak (Everything Is Simple)

Magandang Huwebes mga ka-LP! Ang lahok ko ngayong linggong ito ay isang larawan ng aking mga kaibigan sa aming tambayan nung ako ay nasa kolehiyo pa.

Diba’t napaka-saya ng buhay estudyante dahil lahat ay simple o payak? Ayan at patambay-tambay lang sa pagitan ng mga klase at nagku-kwentuhan o kaya ay natutulog ng saglit dahil puyat galing sa gimikan nung nakaraang gabi. Nakaka-miss ang buhay estudyante! :D

——————————

My entry for this week is a photo of my friends and our corner in our scholl during our “college days.” Those were the days when everything seems so simple… just hanging out with friends in-between classes or taking a short nap because of lack of sleep due to the night out the other day. I miss student life!

Happy Thursday everyone!

Edited: May 22nd, 2009

Litratong Pinoy: Nang Matapos

Magandang Huwebes mga ka-LP! Naalala niyo ba ang lahok ko nuong isang linggo? Eto na sila nang matapos ang isang araw na pagkakababad sa tubig…

Di ba nakakatuwa, lalo na yung mga bilog-bilog? Yung pugita gigantic na siya ngayon dahil isang linggo na siyang naka-babad sa tubig. Haha!

——————————

Happy Thursday everyone! Do you remember my entry last week? Well, here’s how they look now after being soaked in water for at least 24 hours. Don’t they look cute, especially the small balls? The octopus is now gigantic because it’s been soaked in water for a week now.

Enjoy the rest of the week everyone!

Edited: May 14th, 2009

Litratong Pinoy: Simula Pa Lamang

Ano kaya koneksiyon ng pugitang to sa tema ngayong linggo no? Simula pa lamang ito ng paglalaro ng aking mga pamangkin. Haha! Ang pugitang ito at ang mga maliliit na bilog-bilog ay ibinababad sa tubig hanggang ito ay lumaki. Ano kaya ang itsura nila pag lumaki no? Malalaman natin sa susunod na linggo.

Magandang Huwebes mga ka-LP!

——————————

This octopus and the small balls around it are the start of my niece and nephew’s play time. You soak this in water and they’ll get big after some time. How will it look when it’s bigger? We’ll find out in next week’s Litratong Pinoy theme.

Happy Thursday everyone!

Edited: May 7th, 2009

Litratong Pinoy: Tulay

There’s a bridge to tomorrow, there’s a bridge from the past
There’s a bridge made of sorrow that I pray will not last
There’s a bridge made of colors in the sky high above
And I think that there must be bridges made out of love

Jones Bridge

Magandang araw mga ka-LP! Ang lahok ko ngayong linggong ito ay walang iba kungdi ang Jones Bridge na makikita sa Maynila. Kuha ito noong unang EB ng LP noong araw ng Kalayaan noong isang taon.

Ang Puente de España, na nagdudugtong sa Binondo at Ermita, ay unang itinayo noong 1701 kapalit ng Puente Grande na nasira nung lumindol noong 1863. Noong 1916 ay Itinayo ulit ng mga Amerikano ang tulay at isinunod ang pangalan nito kay Atkinson Jones na isang miyembro ng US Congress at chairman ng Insular Affairs Committee na nag-sponsor ng Philippine Autonomy Act ng 1916, o ang mas kilala natin bilang Jones Law. Narito ang larawan ng Jones Bridge noon.


(Photo from wikimapia.org)

Ang ganda diba? Sayang lang at hindi na-preserve ng gobyerno natin ang dati nitong itsura.

Happy LP! :D

——————————

Happy Thursday everyone! My entry for this week is a photo Jones Bridge which is located in Manila. I took this shot during Litratong Pinoy’s 1st EB last year.

Puente de España, which connects Binondo and Ermita, was built in 1701 replacing Puente Grande, which was destroyed by the earthquake of 1863. The Americans rebuilt it in 1916 and renamed it after Atkinson Jones, a member of the U.S. Congress and chairman of the Insular Affairs Committee who sponsored the Philippine Autonomy Act in 1916 (Jones Law).

Edited: April 30th, 2009

Litratong Pinoy: Hardin

Magandang araw mga ka-LP! Pasensiya na at medyo nahuli ang lahok ko ngayong linggo. Nawala sa loob ko na Huwebes na pala. Ang aking lahok ay ang hardin ng gasang na makikita sa ilalim ng dagat. Siyempre hindi ito kuha talaga sa ilalim ng dagat. Hehe! Ito ay kuha sa Manila Ocean Park nung huli naming punta doon ng aking kapatid kasama ang kanyang pamilya.

Hardin ng mga Gasang

——————————

I apologize for my late Litratong Pinoy entry for this week, I lost track of the date and didn’t notice that it is already Thursday. Anyway, my entry for this week is a garden that can be found under the sea… a garden of corals. Of course, this was was not taken underwater (how I wish!) but rather, I took this the last time I went to Manila Ocean Park with my sister and her family. Happy LP everyone!

Edited: April 16th, 2009

Litratong Pinoy: Paboritong Litrato

Magandang Biyernes mga ka-LP! Kamusta kayo? Ang inet diba? :D Bago ang lahat ay gusto kong bumati ng Happy Birthday sa Litratong Pinoy! Yehey! Isang taon na ang LP at sana ay matagal pa tayong magkasama-sama!

Narito ang lahok ko para sa linggong ito…


Ito ang pinaka-bagong paborito ko na litrato na aking kinunan. Siyempre pa at Lomo na naman yan… hanggang plastic na kamera lang kase ang kaya kong bilhin. Haha! Kuha ito sa Punto Miguel sa Anilao, Batangas noong isang, isang linggo. Sobrang tirik ng araw niyan. Talagang iba na ang panahon ngayon. Naalala ko noong 2000-2001, kung saan halos linggo-linggo ay nasa Anilao kami, kahit maghapon kami lumangoy at magpaaraw ay hindi naman ako masyadong umiitim. Pero ngayon, halos dalawang oras lang ako naka-bilad sa araw at nasunog agad ang aking balat, as in sunog.

Ang tawag dun sa mga butas sa gilid ay “sprockets.” Ang film kse talaga para sa Holga ko na camera ay ang 120 format. Mas malaki ito kesa sa karaniwang 35mm film kaya’t pag ginamitan ng 35 ang Holga ay nasasakop ng isang frame pati yung mga butas sa gilid nung film. Naintindihan niyo ba? Pasensiya na at magulo talaga ko magpaliwanag. Haha! Kita din pati yung mga numero at detalye nung film na ginamit ko.

Wala din akong proseso na ginawa para maging ganyan ang kulay at itsura ng larawan. Diba’t napaka-old school ng dating? Haha! Kaya ulet naging ganyan yan ay gumamit ako ng slide film at pina cross-process ko eto. Magkaiba kse ang kemikal na ginagamit pag develop ng ordinaryong colored film at slide fim. Pag cross-process ay gagamitin nila ang kemikal na dapat ay para sa colored film para i-develop ang slide film. At yan ang kinalabasan, ang kakaiba niyang kulay at depende din yan sa brand ng film na ginamit.

Sana ay nagustuhan niyo ang lahok ko ngayong linggong ito. Salamat sa pagbisita!

——————————

Before anything else… Happy 1st Birthday Litratong Pinoy!!! Yay!

This is my entry for this week… my newest favorite photo that I took. Again, this is lomo because plastic cameras are all that I can afford. Haha! This photo was taken ac ouple of weekends ago at Punto Miguel in Anilao, Batangas. The sun was so hot that day and the weather has really changed. I remember when we used to go Anilao almost every weekend way back in 2000-2001, even if we stay out in the sun for almost the whole day, I didn’t get sunburned very much. But this time, I only stayed out for about a couple of hours and I was already burnt, and I mean burnt and not just tanned.

The holes on the sides of the photo are called sprockets. The Holga camera uses a 120 film format. It is bigger than the common film we use, the 35mm, that’s why when you use a 35 film on a Holga, the frame is bigger than the film itself so the photo occupies even the sprockets of the film. You can even see the details of the film I used.

I also didn’t edit the photo. Again, I used a slide film and had it cross-processed. It was developed using chemicals intended for ordinary colored film.

Edited: April 3rd, 2009

Litratong Pinoy: Sapatos

Magandang Huwebes mga ka-LP! Narito ang aking lahok para ngayong linggong ito.

Mahilig ako sa sapatos pero hindi naman karamihan ang mga sapatos ko dahil bihira akong makakita ng talagang gustong-gusto ko… pihikan baga. Haha! At kadalasan kung may bibilin man ako ay yung mga magagamit ko kapag ako ay nagga-gala. Isa nang halimbawa ay ang sandals na nasa larawan sa taas. Binili ko ito dahil nasira na yung isa kong outdoor sandals at paalis kami noon papuntang Lobo at Mindoro. Nagandahan ako sa kulay nito kaya ko siya binili. Ang hindi ko lang gusto ay yung amoy niya na parang plastik na parang goma ay ayaw matanggal.

——————————

This is my entry for this week’s Litratong Pinoy.

I love shoes but I don’t have many because it’s very seldom that I see a pair that I really, really like. And most of the time I would only buy outdoorsy types that I could use when I travel. An example is the sandals that I was wearing on the photo. I bought this because my old one already broke and we were leaving for Lobo and Mindoro. What attracted me to this pair was the colors. What I don’t like about it is the plastic or rubber smell that couldn’t be removed.

Edited: March 26th, 2009

Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

Magandang Huwebes sa aking mga kapwa litratista! Narito ang aking lahok para sa linggong ito. Ang aking mga paboritong alahas.

Ang una ay isang pares ng hikaw na ibinigay sa akin ng aking bespren na si Carl.

Noong kami ay nasa kolehiyo pa ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang exchange student sa Singapore at doon niya ito binili. Nang tinanong niya ako kung ano ang gusto kong pasalubong pag-uwi niya ay sabi ko kahit ano na pag nakita niya ay maaalala niya ako at eto nga ang nakita niya. Ako lang ang binigyan niya ng kakaibang pasalubong, ang iba naming mga kabarkada ay pare-parehas na keychain ang inuwi niya kaya naman labis akong natuwa. Ang mga bulaklak ay gawa sa marpil o garing (ivory).

Eto naman ang pangalawa:

Eto naman ang paborito kong palawit sa kwintas mula high school hanggang kolehiyo. Bigay ito ng aking nanay at araw-araw ko itong suot. Kung inyong mapapansin na ang kaliwang bahagi ng puso ay magaspang at ang kanang bahagi naman ay makinis.

Sana ay nagustuhan niyo ang aking lahok. Happy LP!

——————————

Here are my entries for this week’s Litratong Pinoy… my favorite jewelries. The first photo is a pair of earings that was given to me by my best friend Carl. He became an exchange student in Singapore during our college days and he bought it from there. He asked what I wanted and I told him to buy me something that would remind him of me when he sees it and this was what he found. I was the only one with a different memento from him, the rest of our friends received keychains and I was very touched. The flowers on the earrings are made of ivory.

The second photo is my favorite pendant from grade school to college. My mom gave me this and I wore it everyday. If you noticed, the left part of the heart is rough and the ohter half is smooth.

I hope you like my entries. Happy LP everyone!

Edited: March 19th, 2009

Litratong Pinoy: Polo

Hello everyone! I’ve been invited as a guest photographer in the Litratong Pinoy site for this week. You can find my entry here. Thank you again admin for the invitation. I’m really glad and honored to have this great opportunity. Til next time.

Happy LP and see you all next week!

Edited: March 12th, 2009