Jun
12
2008
Litratong Pinoy had it’s first EB last Monday, June 9, 2008, and it was called Kodakan para sa Kalayaan. This is in time for the Philippines’ 110th Indpependence Day and also perfect for LP’s theme for this week which is Kalayaan. There were three of us from LP, Pete, Lino and me, and we were joined by a couple of Pete’s friends, Julius and Mike. We met at the UP Oblation, introduced ourselves, shared stories, and then photo op for about 30 minutes. Then we had lunch at the UP Coop (thanks to Pete and Julius for the lunch) and decided to go to Binondo with Julius.
We took a jeep to Quiapo (we encountered a very masungit na mamang jeep) and took photos of Quiapo Church. We also dropped by FANS Digital Imaging to inquire about the planned LP coffee table book. After that we walked going to Ongpin, then Binondo, then Manila Post Office, and then the Bonifacio Shrine near Manila City Hall. It was a long and tiring day but it was fun and very informative! Thanks to Mike also who acted as our tour guide and explained the history of the places we passed by.
This is my first time to try out Lomography and I used my very first toy camera, Vivitar Ultra Wide and Slim. I underestimated actually it’s capacity of being ultra wide. If you look at the photos below, the first photo is what I saw when I looked in the cam’s viewfinder and the second photo is what I came out when I had the film processed and scanned. Can you see the big difference

Here is the complete set of photos that I took, I posted it in my multiply account. Comments, suggestions and constructive criticisms are welcome.
Popularity: 37% [?]
Jun
12
2008


Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
Malaya nga ba ang ating bayan? Malaya nga ba ang ating mga kababayan? Ikaw, malaya ka ba?
Ito po ay parte ng mural sa Bonifacio Shrine na makikita malapit sa City Hall ng Maynila. Naisip ko na saktong-sakto ito para sa tema ngayong linggong ito dahil ipinagdidiwang nating ang ika 110 taon ng kalayaan ng ating bansa at ang mga ibon ay kadalasang nagsisimbolo ng kalayaan. Ito po ang aming huling pinuntahan nila Pete at Lino sa unang EB ng Litratong PInoy.
Camera: Vivitar Ultra Wide & Slim
Film: Fresh Fujicolor YKL 100
Popularity: 33% [?]
Jun
07
2008

Wala po sana akong lahok para sa linggong ito dahil ang kasal ay isang bagay na nagiging dahilan upang ako ay malungkot. At pasensiya na kung magiging madamdamin ang akda ko para sa linggong ito.
Di naman po ako yung tipo na bata pa lang ay nangangarap nang magpakasal at hindi din naman po ako nangangarap ng isang engrandeng kasal. Dumating lang ang taong mamahalin ako ay sobrang ikakasaya ko na habang ako ay nabubuhay. O ang drama diba?
Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon, ang gusto kong kasal ay simple lamang. Gusto ko ay sa tabing dagat o sa isang lugar na napapaligiran ng mga puno, at kung napanood niyo ang pelikula ni Kevin Costner na Robin Hood, gusto ko yung parang katulad ng kasal niya doon na maraming nahuhulog na mga dahon. Ayoko din ng pormal na kasalan. Gusto ko ay komportable ang mga dadalo sa aking kasal at kung sa tabing dagat ay gusto kong naka tsinelas o nakapaa ang mga tao. Gusto ko din ng mga dekorasyong isda sa aking keyk at ang dekorasyon sa mga mesa ay isang “fish bowl” na pwedeng iuwi ng mga bisita. Gusto ko din na ang mga bulaklak ay lilies at ang mga imbitasyon at favors ay ako ang gagawa. O diba sabi ko nga simple lang?
At isang tao lang ang gusto kong makasama habambuhay! Haha! Kung inyong nababasa itong aking blag ay marahil may ideya na kayo kung sino ang taong iyon, malungkot lamang dahil hindi ganon ang tingin niya sa akin at ako ay itinuturing lamang niya bilang isang kaibigan. Tinanggap ko naman na yon at minsan ay umaasa pa din ako na merong dadating sa king buhay na lalamangan siya at tutulungan akong kalimutan siya. Sa ngayon ang tanging pangarap ko na lang ay makakilala ng isang tao na magmamahal sa akin sa kung sino at ano man ako…. pero malungkot man isipin ay nawawalan na ko ng pag-asa at tinatanggap ko na na marahil ay nakatakda talaga akong maging mag-isa sa buhay. Kaya eto, hanggang pangarap at panaginip na lang ako.
O siya, tama na ang drama! Para sa aking lahok ngayong linggong ito ay kinunan ko ang mga pahina ng isang aklat na aking binili dati para pagkunan ng inspirasyon para sa aking trabaho. Tuwing may bisita ako sa aking kwarto at nakikita ko ang aklat na ito sa aking bookshelf ay natatawa ako sa aking sarili. Naisip ko na baka isipin ng aking mga bisita na kaya ko ito binili ay dahil gusto ko nang magpakasal. Haha! Sana ay magustuhan niyo ang lahok ko ngayong linggong ito. Maligayang LP mga kaibigan!




Popularity: 30% [?]
May
29
2008


Medyo mahirap ang tema ngayong linggong ito dahil kung ating iisipin ay hindi naman nakikita ang hangin. Kaya’t naghanap ako ng bagay na makikitang gumagalaw dahil sa ihip ng hangin. Ito ay ang larawan ng aking kaibigan habang siya ay nagsu-surf. Nagagawa niya ito sa tulong ng alon ng dagat na nabubuo dahil sa ihip ng hangin. Mas malakas, mas masaya… siguraduhin lang na marunong kang lumangoy at baka madisgrasya. Sana ay magustuhan niyo ang aking lahok ngayong linggong ito. Maligayang LP mga kaibigan!
Popularity: 46% [?]
May
15
2008


Minsan ay nagbakasyon ako sa bahay sa La Union ng aking dating editor. Nung gabi ay nag-ihaw kami ng aming kakainin para sa hapunan. Pagkatapos naming mag-ihaw ay nag-ayos kami ng hapag kainan at habang inaayos namin ito ay nadinig ko si editor na sinisigaw ang pangalan ko, pinagmamadali akong pumunta kung saan siya naroroon. Pinakuha niya din ang aking kamera at bilisan ko daw kaya’t dali-dali akong nagtatakbo pabalik ng bahay para kuhanin ang kamera. Pagdating ko sa kanyang kinaroroonan ay nakita ko ang mga nagbabaga pang abo mula dun sa apoy na lumilipad at tila sumasayaw sa hangin. Dali-dali ko itong kinuhanan ng larawan at medyo tinagalan ko ang exposure para makita ang direksyon ng mga abong lumilipad. Diba’t napakaganda ng kinalabasan? Sana ay nagustuhan niyo ang aking lahok para sa linggong ito.
Popularity: 68% [?]
Apr
24
2008


Maligayang Huwebes! Ang tema ngayon sa Litratong Pinoy ay Hugis ay Pahaba. Naghanap ako aking mga lumang larawan at ito ang aking nakita. Ito ay ang larawan ng tulay sa ilog ng Kwai. Diba’t napahaba niya? Ito ay may habang 415 na kilometro at tumatakbo sa gitna ng Bangkok, Thailand at Rangoon Burma, na ngayon ay kilala na bilang Myanmar. Ito ay isang pasyalan ng mga turista sa Thailand. Pinasyalan namin ito ng aking mga kaibigan noong kami ay magawi ng Thailand noong taong 2000. Pwede ka ding pumunta doon sa may tulay, at kung iyong titignan mong mabuti ay makikita mong marami ding mga tao doon. Kilala din ang tulay na ito bilang Burma Railway, Death Railway, at Thailand-Burma Railway. Mahigit isang daang libo mga manggagawa ang namatay sa proyektong ito. Meron ding pelikula noong 1957 na ganito ang titulo. Ito ay hango sa nobela ng Pranses na manunulat na si Pierre Boulle. Sana ay nagustuhan niyo ang ibinahagi kong larawan sa inyo ngayon at kahit papano sana ay may kaunti kayong natutunan.
Happy Thursday! The theme for today in Litratong Pinoy is something that’s long. I looked at my old photos and found this. This is a picture of the bridge on the River Kwai. It’s long, isn’t it? This bridge is 415 kilometers long and it runs between Bangkok, Thailand and Rangoon, Burma, which is now known as Myanmar. This is one of the tourist spots in Thailand. My friends and I visited here when we went to Thailand in 2000. You can also go to the bridge, and if you look closely you can see many people on the bridge. This bridge is also known as the Burma Railway, Death Railway, and Thailand-Burma Railway. More than 100,00 laborers died on this project. There is also a 1957 film of the same title. It was based on the novel of the French writer Pierre Boulle. I hope you liked what I shared with you today and hope that you somehow learned something from it.
Popularity: 32% [?]
Apr
19
2008


Pasensiya na at medyo nahuli itong entry ko
Nakainom kse ang lola niyo ng dalawang gabi
Kaya hindi ako nakahanap ng pi-piktyuran ko
Kahapon lang ng umaga ng ako’y makauwi
At eto ang aking nakita
Di ba’t eto ay may apat na kanto?
Ito ay lalagyan ng kandila
At sana ito’y magustuhan niyo!
——————–
Sorry this is late
I got drunk the past couple of nights
So I weren’t able to look for a subject
Only yesterday morning when I got home.
And this is what I found
It does have four corners, doesn’t it?
This is a candle holder
And I hope you’ll like it!
Popularity: 18% [?]
Apr
10
2008
.png)
Eto na… Katulad ng mga kaibigan kong bebots, sumali din ako sa Litratong Pinoy. Sayang at hindi ako nakasali nang mas maaga, na-miss ko tuloy ang unang linggo na tungkol sa bilog. Okay lang naman… at eto ang aking unang lahok na may tatlong sulok.
Here it is… Like my bebot friends, I also joined Litratong Pinoy. Too bad I wasn’t able to join earlier, I missed the first week about Circles. But it’s okay… and here’s my first entry with three corners.

Ako ay isang upuan at ako may tatlong sulok.
Ako ay dinadala ni Buge pag umaakyat ng bundok.
Ngunit ngayon ako ay nakatabi na lang sa isang sulok.
Nami-miss ko na si Buge pati ang bundok.
I’m a chair and I have three corners.
Buge brings me when she climbs a mountain.
But now I’m just on one corner.
I miss Buge and I miss the mountains.
Popularity: 22% [?]